9/17/2019

YWQN


XV
Nanginginig na kalamnan, nagsisibagsakang looban -
Ramdam ang laman sa putik, putik sa laman
Pabulong na tapang sa pagkapa sa dilim
Kasinungaliang minsan nang inalagaan
Pinakain, pinagyaman - pinagyabong sa kaalamang
Sa yakap ng dilim lahat ay magsingmukha na lamang

Nanatiling buhay sa kahapon ngunit bihag sa bukas
Sa loob ng rehas ginawa sa simula, paikot at palabas
Sa hudyat ng simula, mag sisipagkalasan pa kaya?
Tinanim na gusaling mistulang baluktot na kublihan
Sa aking naliligaw na daanan